Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood control project sa Dinalupihan, Bataan.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, makatutulong ang flood control structure sa tabi ng Colo River para maiwasan ang pagbaha sa nasabing lugar bunsod ng malakas na pag-ulan.
Sinabi naman ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller Tolentino na magbibigay din ito ng proteksyon sa mga residente at upang mabawasan ang posibleng danyos sa mga ari-arian dahil sa pag-apaw ng tubig.