Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational na ang lahat ng flood control projects sa National Capital Region (NCR).
Matatandaang tinukoy ng Commission On Audit (COA) ang mga proyekto ng MMDA na naantala noong 2021 kung saan kabilang sa 95 naantala bunsod ng COVID-19 pandemic ay ang late sa pag-isyu ng mga clearance mula sa LGUs at Government offices, Right-of-way issues, at paglilipat ng informal settler families.
Ayon kay MMDA OIC at Flood Control and Sewerage Management Office Head Baltazar Melgar, ang mga tinukoy ng COA ay mga minor project lamang.
Sa ngayon, aabot sa 77 pumping stations ng MMDA ang operational na sa mga strategic locations sa Metro Manila.
Tiniyak naman ng ahensya na nakahanda sila lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.