Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang puspusang pagpapatupad ng mga proyektong tutugon sa pagbaha sa Metro Manila.
Kabilang sa mga inaayos ng DPWH ang tatlong kilometrong drainage sa Blumentritt na pipigil sa pagbaha sa Espania, Maynila at paglalagay ng interceptor ng tubig baha sa Maysilo, Caloocan.
Inaayos din ng DPWH ang paagusan sa Osmenia Highway kung saan naiipon ang tubig mula sa airport area at skyway kasabay nang pangangasiwa sa rehabilitasyon ng San Juan River na umaapaw tuwing tag-ulan.
Target din ng DPWH na linisin ang 9 na waterways sa Metro Manila na nakadalasang nagbabara dahil sa mga basurang itinatapon ng informal settlers na nakatira sa paligid nito.
Nai-relocate na ng DPWH ang 8,000 mula sa kabuuang 20,000 indibidwal na nakatira sa paligid ng mga estero.
By Judith Larino