Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng isang flood mitigation structure sa Tarlac na ginawa upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente tuwing panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Tarlac 2nd District Engr. Edward Ricardo Ramos, ang higit 500 metrong flood mitigation project sa Bangot River sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Capas ay nagkakahalaga ng P 94.5 milyon.
Itinayo ang concrete structure upang maprotektahan ang mga sakahan at komunidad laban sa pagbabaha.