Bukas na ang Florida sa Amerika upang tumanggap ng tulong mula sa international community.
Ito’y makaraang ideklara ni US President Donald Trump ang Florida bilang major disaster area matapos humagupit ang hurricane Irma
Dahil dito, maaari nang makakuha ang mga apektadong residente ng Florida ng mga temporary housing at home repairs, low-cost loans at iba pang mga programa na makatutulong sa kanilang muling pagbangon.
Maaari na ring makakuha ng federal funding ang Florida gayundin ang mga non-profit organization upang ibigay bilang ayuda sa panahon ng kalamidad.
—-