Hindi natitinag ang Florida sa kabila na terror attack sa gay night club sa Orlando na ikinasawi ng 50 katao at gumimbal sa buong mundo.
Sa kabila ng pagluluksa, tiniyak ni Florida Governor Rick Scott na babangon ang estado mula sa trahedya.
Sinabi ni Scott na matatag ang Florida at maging ang Amerika at hindi makakahadlang ang nangyaring masaker para magpatuloy ang buhay lalo na sa mga miyembro ng LGBT community.
Sa ngayon 21 pa lamang sa mga nasawi ang napangalanan ng mga awtoridad.
Kabilang sa mga namatay ay barista at bouncer sa pulse nightclub na walang habas na pinagbabaril ng suspek na si Omar Mateen.
Biktima rin ang accountant, pharmacy technician, tour guide at estudyante.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: JOHN G. MABANGLO