Kung gusto ni Manny Pacquiao na lumaban sa Rio Olympics, ayaw naman ni Floyd Mayweather Jr.
Ginawa ni Mayweather ang pahayag isang araw matapos sabihin ni pacquiao na nais niyang makapag-uwi ng ginto para sa bansa.
Ayon kay Mayweather, nagretiro na siya matapos makuha ang perpektong 49-9 boxing record nang matalo niya sa pamamagitan ng lopsided decision si Andre Berto noong 2015.
Sinasabing kwalipikadong lumaban si Mayweather sa Rio Event dahil nakasungkit na ito ng Bronze Medal sa 1996 Atlanta Olympics.
By: Jelbert Perdez