Idineklarang highest paid athlete of the decade ng Forbes Magazine si dating five division world champion Floyd Mayweather, Jr.
Kasunod na rin ito nang pagpalo sa US$ 915-million ang kita ni Floyd, Jr., sa nakalipas na 10 taon.
Naging malaking tulong sa pagkamal ng salapi ni Floyd Jr. ang laban kina fighting senator Manny Pacquiao noong 2015 at Conor McGregor noong 2017.
Sumunod kay Floyd Jr. bilang highest paid athlete sina Cristiano Ronaldo na may kita ng US$ 800-million, Lionel Messi – US$ 750-million, Lebron James – US$ 680-million at nasa ika limang puwesto si Roger Federer na may kitang US$ 640-million.
Pasok din sa kategorya sina Tiger Woods na may kitang US$ 615-million, Phil Mickelson – US$ 48-million, Manny Pacquiao – US$ 435-million, Kevin Durant – US$ 425-million at Lewis Hamilton – US$ 400-million.