Babalik lamang sa pagboboksing si retired undefeated pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. kung si mixed martial artist Conor McGregor lang ang kanyang makakalaban.
Ayon kay Mayweather, “napaka-intriguing” umano ng laban nila ni McGregor kaya gustong-gusto niyang matuloy ito.
Lalo pa aniya at isang mixed martial artist ang kanyang makakalaban at hindi isang boksingero.
Bilib din si Mayweather kay McGregor sa kakayahan nito kaya may bubuuin silang “master plan” para lang matuloy ang ninanais na laban.
Roach
Bukas naman si hall of fame trainer Freddie Roach na i-train si UFC Lightweight Champion Conor McGregor.
Ito ay para sa posibleng bakbakan sa pagitan nina McGregor at Floyd Mayweather.
Kinumpirma ni Roach na kinausap siya ng kampo ni McGregor para sa posibilidad na maihanda ang UFC fighter sa isang boxing match.
Gayunman, sinabi ni Roach na hindi niya batid kung papayagan ng UFC na lumaban sa boxing si McGregor.
By Mariboy Ysibido | Meann Tanbio