Interesado si undefeated american boxer na si Floyd Mayweather Jr na makatrabaho si pambansang kamao at fighting senator Manny Pacquiao.
Iyan ang reaksyon ni Mayweather makaraang tanungin siya hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon nila ng rematch ng pambansang kamao.
Pero sinabi ni Mayweather na ayaw na niyang kalabanin si Pacquiao bagkus ay nais na niya itong makasama sa trabaho gayung wala na ito sa poder ni Top Rank Promoter Bob Arum.
Gayunman, bukas pa rin ang pambansang kamao sakaling magtawag ng rematch laban sa kaniya si Mayweather.
“May posibleng mag rematch kami….baka pumayag siya sa Macau.”