“Absolutely Not.”
Ito ang inihayag ni American Boxer Floyd Mayweather Jr., matapos ang napaulat na posibleng magkaroon ng re-match sakanila ni pambansang kamao Manny Pacquiao.
Ayon kay Mayweather, hindi magaganap ang isa pang super fight sa kanila ni Pacquiao dahil wala siyang balak na muli itong kalabanin.
Sinabi ni Mayweather na tapos na ang kanyang mga hard fights mula 1987 hanggang 2017, kaya ang lahat ng kanyang mga laro ay for entertaining at kasiyahan nalamang.
Matatandaang bago ang pagdating ni Mayweather sa Pilipinas, napatumba nito si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama super arena sa Japan, kung saan personal na nanood ng laban si Pacquaio.