Kumpirmado na ang laban si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 12 na gaganapin sa Las Vegas.
Ito kung saan makakaharap ni Mayweather si two time welterweight world champion na si Andre Berto.
Ayon kay Mayweather, handang handa na siyang muling sumabak sa ring upang patunayan sa buong mundo na siya ang pinakamagaling sa kasaysayan ng boksing.
Ngayon pa lang, kumpiyansa na si Mayweather na masusungkit niya ang ika-49 niyang panalo sa kanyang boxing career para mapantayan ang record ni dating heavyweight champion Rocky Marciano na nagretiro ng may malinis na 49 wins at zero loss sa kanyang karera.
Maugong din ang balita na posibleng ito na ang huling laban ni Mayweather lalo pa’t wala na itong makatapat makaraang talunin noong Mayo si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
By Ralph Obina