Malaki ang maitutulong ng pagtuturok ng flu vaccine laban sa COVID-19.
Ayon sa flu expert na si Dr. Ronald Ray Josue, kaunti ang nararanasang “severe symptoms” o sepsis at mas madalang na magpakonsulta sa mga doktor ang mga pasyente na may flu vaccine.
Batay aniya ito sa mga isinagawang pag-aaral sa Estados Unidos.
Gayunman, nilinaw ni Josue na marami pang pag-aaral ang kailangang gawin upang matiyak na ang flu vaccine ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa COVID-19.
Hindi aniya nangangahulugan na ligtas na sa COVID-19 ang mga tinurukan ng flu vaccine dahil magkaiba ang dalawang sakit na sanhi ng magkaibang mga virus.
Idinagdag din ni Josue na maaari pa rin makakuha ng flu shot ang mga nakatanggap na ng COVID-19 vaccine.—sa panulat ni Drew Nacino