Ligtas ang flu vaccines na ginagamit sa bansa
Tiniyak ito ng Department of Health (DOH) matapos maitala ang mga kaso ng pagkamatay sa South Korea dahil sa pagturok ng flu vaccines.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, DOH director 4 walang naitatalang adverse events following immunization (AEFI) o regular surveillance sa flu vaccine na itinuturok sa mga Pilipino.
Sinabi ni Ho na sinuri na rin ng Food and Drug Administration ang logs and batches ng flu vaccines na dumating sa bansa subalit wala sa mga ito ang vaccine brands na ginamit sa South Korea.
Una nang ipinatigil ng Singapore Health Ministry at kanilang health sciences authority ang paggamit ng flu vaccines na Sky Cellflu Quadrivalent at Vaxigriptetra.
Una nang inihayag ng Korea Disease Control and Prevention Agency na karamihan sa mga nasawi ay nasa pagitan ng 70 hanggang 80 taong gulang.