Umapela sa gobyerno ang grupo ng mga nurse na huwag nang gawing kumplikado ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health care workers.
Ayon kay Melbert Reyes, National President ng Philippine Nurses Association, marami pang mga nurse ang hindi nakakatanggap ng kanilang Special Risk Allowance (SRA) ngayong taon.
Ani Reyes, ang karaniwang binibigyan lang kasi ng SRA ay mga nurse na mayroong direct contact sa COVID-19 patient.
Giit ni Reyes, napakaraming kondisyon pa bago makatanggap ng tamang benepisyo ang mga health workers.