Dismayado ang isang grupo ng nurses sa Pangulong Rodrigo Duterte sa pag depensa nito kay Health Secretary Francisco Duque, III at sa DOH kaugnay sa deficiencies sa paggamit ng mahigit P67-B na COVID 19 funds.
Ayon kay Maristela Abenojar, pangulo ng Filipino Nurses United (FNU), maraming health workers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga benepisyo tulad ng special risk allowance, active hazard duty pay and meal, accommodation at transportation allowances gayung may mga pondo para sa COVID-19 response ang hindi maayos nagamit.
Paulit ulit na lamang ang nangyayari subalit walang positibong tugon ang gobyerno partikular ang DOH sa kanilang request na ibigay na ang mga benepisyong para sa mga health workers na mayroon ding mga pamilyang binubuhay.
Kasabay nito, kinumpirma ni Abenojar ang pakikiisa nila sa bantang mass protest ng ilang grupo ng health workers para igiit na mapasakamay ang kanilang mga benepisyo.