Nagpahayag ng pagka dismaya ng Filipino Nurses United (FNU) sa hindi pagkakasama ng benepisyo ng mga health workers at nurses sa panukalang Bayanihan 3.
Sa pahayag ng FNU, ipinunto ng grupo na malaki ang maitutulong ng Bayanihan 3 para tugunan ang dumaraming pangangailang pangkalusugan ng mga tao kung mayroon lamang na pondong inilaan para sa kapakapanan ng mga nurse at iba pang medical frontliners sa bansa.
Iginiit ng grupo na isa ang mga health workers sa sektor na higit na naaapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.
Dagdag pa ng mga ito, lalo pa anilang bumigat at lumala ang work load at work hours ng mga medical frontliners.
Binigyang diin ng FNU ang agarang paglalaan ng pondo para sa sahod ng karagdagan pang health personnel para matugunan ang problema ng kakulangan sa tauhan sa mga ospital.