Bahagya nang umusad ang Freedom of Information (FOI) Bill sa kamara.
Batay sa monitoring ng DWIZ, nakapasa na sa House Committee on Appropriations ang budget component ng FOI Bill.
Sunod itong ifa-file sa bills and index at mula doon ay dadalhin ito sa Committee on Rules, kung saan ika-kalendaryo ang pagdadala nito sa plenaryo.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)