Aminado ang Malakaniyang na maraming dapat ikunsidera sa pagpapatupad ng Freedom of Information sa sangay ng ehekutibo.
Ito’y makaraang ulanin ng mga kahilingan ang pamahalaan hinggil sa ilang impormasyon, official records at iba pang mga pampublikong dokumento.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi pa nila batid kung gaano na karaming request ang kanilang natanggap sa kasalukuyan.
Kinakailangan din aniyang sumailalim sa pagsasanay ang mga kawani ng iba’t ibang regional offices upang malaman kung paano ipatutupad ang Executive Order ng Pangulo gayundin ang binuong sistema para sa FOI.
By: Jaymark Dagala