Lusot na sa House Committee on Public Information ang kontrobersyal na FOI o Freedom of Information Bill.
Nagkaisa ang mga mambabatas na miyembro ng komite na ipasa ang nasabing panukala upang dalhin sa plenaryo para sa debate.
Kasunod nito, nagpasalamat si Committee Member at Act Partylist Rep. Antonio Tinio sa mabilis na pagkakapasa ng nasabing panukala.
Sa ilalim ng FOI Bill, magiging mabilis na ang pag-access ng mga impormasyon hinggil sa mga transaksyon ng pamahalaan sa ngalan ng transparency at accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
By Jaymark Dagala | Report from: Jill Resontoc (Patrol 7)