Umaasa pa rin ang isang mambabatas na maipapasa pa rin sa kasalukuyang kongreso ang inaamag nang Freedom of Information o FOI bill.
Ayon kay Parañaque Rep. Gus Tambunting, isa sa mga may-akda ng FOI bill, maituturing aniyang magandang legacy ng Pangulong Noynoy Aquino kung maipapasa ito sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.
Ngunit nakalulungkot aniyang tila malamig pa rin ang pagsuporta rito ng pangulo dahil hindi man lang ito nabanggit sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) para sertipikahang urgent.
Giit pa ng mambabatas, dapat ipasa ang FOI upang mapanindigan ang kampaniya ng administrasyon sa pagkakaroon ng transparency at accountability sa lahat ng mga kawani at opisyal nito.
By: Jaymark Dagala