Pa-plantsahin na ng House Committee on Public Information ang Freedom of Information (FOI) bill sa muling pagbubukas ng sesyon sa 2017.
Ayon kay Committee chairman Antonio Tinio, tatapusin nila ang draft ng substitute bill ng tatlumpu’t tatlong panukala na may kaugnayan sa FOI tinalakay na aniya nila sa technical working group ang naturang draft at nakapagbigay na rin ng input ang stakeholders para pagtibayin ang FOI bill.
Bago pa man nagsimula ang kanilang Christmas break sinabi ni Tinio na bilang sa input ang pagpapalawig pa ng Executive Order number 2 kung saan nakasaad ang malawak na saklaw ng FOI bill.
By Judith Estrada-Larino