Abala na ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng inaabangang Freedom of Information (FOI) sa sangay ng ehekutibo.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng Malacañang na epektibo na sa Nobyembre 25 ang Executive Order number 2 o FOI para sa mga Pilipino.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nasabing EO noong Hulyo na naglalayong magkaroon ng access sa mga mahahalagang impormasyon sa gobyerno.
Ang FOI ay isang uri ng mekanismo na nagbibigay pahintulot sa publiko para sa transparency at full public disclosure ng impormasyon.
Bagama’t pinapayagan na ang pag-access ng impormasyon, dapat isaalang-alang na hindi malalagay sa alanganin ang mga bagay na may kinalaman sa pambansang seguridad.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)