Inaasahang mailalabas na ng Malakanyang ang Executive Order sa FOI o Freedom Of Information sa susunod na Linggo.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa ngayon ay kinukumpleto at pinaplantsa na lamang ang FOI bago tuluyang lagdaan at ilabas at hindi totoong pinipigil ito.
Kapag nalagdaan ang FOI, madali ng makakukuha ng access ang publiko sa mga dokumento sa gobyerno na dati ay mahirap makakuha ng kopya kahit pa ang mga ito ay itinuturing na public documents.
Una rito, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang E.O. sa Freedom Of Information ay urgent directive mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping