Priority ng ilang kongresista na maihain ang FOI o Freedom of Information Bill sa pagpasok ng 17th Congress.
Sinabi ni Ifugao Representative Teddy Baguilat na ang FOI Bill ang unang panukalang ihahain niya sa pagbubukas ng bagong Kongreso.
Natutuwa aniya siyang pinapahalagahan ni incoming President Rodrigo Duterte ang FOI Bill na katunayan nang pangako nitong magpapalabas ng executive order hinggil dito.
Bigong mailusot sa 15th at 16th Congress ang nasabing panukala.
By Judith Larino