Nagpaalala ang FDA o Food and Drugs Administrations sa publiko na maging maingat at mapagsuri sa mga bibilhing pagkain ngayong nalalapit na Pasko.
Ayon kay Timothty Mendoza ng Food Regulation office ng FDA, mahalagang suriin kung nasa magandang kondisyon ang produktong inyong binibinili, iwasan ang pagbili ng mga delatang deformed o may yupi.
Huwag din aniyang kalimutang basahin ang food labels, mga sangkap at higit sa lahat i-check ang expiration date nito.
Dagdag pa ni Mendoza mas mainam kung iiwasan ang pagkain walang label o kaya ay ni-repacked lamang at tiyaking mapagkakatiwalaan ang pamilihang inyong tinatangkilik.