Sapat ang dami ng food boxes na ipamimigay para sa mga nasalanta ng bagyong Florita.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na mahigit 100,000 food packs ang naka standby sa Ilocos region at Cagayan Valley.
Handa na rin ang nasa 20 hanngang 25 milyong pisong Assitance to Individuals in Crisis (AIC).
Kaugnay nito, ipinabatid ni Tulfo na binabantayan ng DSWD ang pagsasaayos ng mga apektadong lugar, partikular ang lalawigan ng Isabela. – sa panulat ni Hannah Oledan