Hindi maitatanggi ang nararanasang food crisis ng bansa.
Ayon ito kay Magsasaka Party-list Representative Argel Joseph Cabatbat dahil ramdam na ramdam ng publiko ang mataas pa ring presyo ng baboy, manok at gulay.
Sinabi ni Cabatbat na ngayong may food crisis, dapat na kumilos ang gobyerno at paglaanan ito ng pondo para hindi gaanong mahirapan ang mga apektadong magsasaka, traders, retailers at consumers.