Nagbabala kaugnay sa napipintong krisis sa pagkain ang Department of Agriculture (DA) dahil sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic, kasabay ng gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia, sanhi ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DA Secretary William Dar, mayroon ng inihandang directional plan ang kanilang tanggapan upang matugunan ang mga inaasahang pagsubok na darating sa bansa.
Aniya, kailangan lamang madagdagan ang pondo ng ahensiya para matutukan at mapalakas ang pagsusulong ng mga programa para mapataas ang production level sa agrikultura.
Batay sa pagtaya ng kalihim, mararamdaman ang napipintong food crisis sa ikalawang semestre ng taon kaya ngayon pa lamang ay naghahanda na ang kanialng departamento.