Pinangangambahang maging susunod na pandemya at maging banta sa kalusugan ang lumalalang food supply shortage.
Ito ang ibinabala ng nangungunang Global Health figure na si Peter Sands, Executive Director ng Global Fund to Fight Aids, Tuberculosis and Malaria.
Ayon kay Sands, ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng bilihin at mga produktong petrolyo, bunsod ng giyera ng Ukraine kontra Russia, ay maaaring pumatay ng milyun-milyong katao, direkta man o hindi.
Asahan na anya ang mas malaking epekto ng food shortage sa mga mahihirap na bansa sa Africa at Asya.
Una nang inamin ng United Nations (UN) na kung magpapatuloy ang digmaan ay tiyak na maaapektuhan supply ng pagkain ng sangkatauhan.