Pirmado na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kautusang nagpapahintulot sa mga food establishments sa lungsod na mag-operate ng 24/7.
Alinsunod sa Executive Order No. 35, kabilang sa mga pinapayagang mga serbisyo na mag-operate 24-oras ay ang take-out at delivery services ng mga kainan sa lungsod.
Epektibo ang naturang kautusan mula nitong August 19 nang isailalim muli ng pamahalaan ang NCR sa general community quarantine (GCQ) hanggang August 31.
Kasunod nito, ayon kay Moreno, ang naturang kautusan ay para bigyang daan ang mga may-ari ng kainan sa lungsod ng Maynila na makabawi ng kita sa gitna ng nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 crisis.
Pero pagdidiin ni Manila Mayor Moreno, mananatiling ipatutupad ng mga awtoridad ang mga health at safety protocols laban sa nakamamatay na virus.