Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinumite ng EDC o Economic Development Cluster na draft ng executive order na nagtatanggal sa non-tariff barriers sa mga food item para pahupain ang inflation rate.
Sinabi ng NEDA na ang pokus ng nasabing EO ay isda, bigas, asukal, karne at gulay na maituturing na major contributors sa inflation sa nakalipas na dalawang buwan.
Una nang inihayag ni socio-economic planning secretary Ernesto Pernia na ang pagpapalabas ng EO at agarang pagpapatupad nito ay makakatulong para maresolba ang isyu sa supply na dahilan nang pagsirit naman ng inflation.
Ang pagtanggal ng non-tariff barriers kabilang na ang administrative barriers ay makakatulong din sa pagpapabilis ng pagpasok ng imported food items sa mga border ng bansa.