Pumalo na sa mahigit 100 food guardians ang nakuha ng National Food Authority o NFA sa Negros Oriental.
Ayon kay NFA Provincial Manager Dr. Carlos Cortes, maglulunsad ng panibagong kampanya ang ahensya laban sa mga mapagsamantalang negosyante na nagbebenta ng NFA rice bilang commercial rice.
Layon ng kampanya na makakalap ng isang milyong food guardians para sa 100 milyong tao sa bansa.
Ang mga volunteer na food guardian ay magsisilbing impormante ng NFA at ipagbibigay-alam ng mga ito sa publiko kung saan maaaring makabili ng murang bigas.
Sinabi ni Cortes na halos walang pinagkaiba ang NFA imported rice sa commercial rice.
Aabot sa 300 NFA retailers ang araw-araw na mino-monitor ng ahensya sa Negros Oriental.
By Jelbert Perdez