Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na posibleng ipatupad ngayong buwan ang food inflation o ang pabago-bagong pagtaas ng presyo sa bansa.
Sa datos ng Philippine Food Inflation, aabot sa 6.% ang posibleng iangat sa presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon kay Dar, ang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin ay dahilan ng mga nasirang pananim sa northern portion ng Luzon dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi ito makakaapekto sa kabuuang inflation rate ng bansa ngayong buwan ng Oktubre.—sa panulat ni Angelica Doctolero