Pansamantalang ipinatigil ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operasyon ng isang food plaza sa Las Piñas.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ng DTI sa nasabing food plaza na nakitaan ng iba’t ibang paglabag.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na sinubukan ng mga taga dti na kumain nang hindi nagpapakilala at pinagsilbihan naman ang mga ito.
Subalit ipinabatid ni Lopez na nagpulasan na ang mga cook at ibang tao sa stalls na mukhang chinese nang dumating siya at iba pang naka unipormeng tauhan ng DTI.
Dahil dito, pinaiimbestigahan ng DTI sa Department of Labor and Employment sa maging sa bureau of immigration kung may work permits ang mga mukhang dayuhang empleyado.
Pinatitingnan naman ng DTI sa Las Piñas government kung may business permits ang 30 food stalls sa loob ng plaza.
Bukod dito, napansin din ng DTI ang ibinibentang exotic dish at maging ang paraan ng waste disposal ng mga tindahan kung saan diretso ang mantika sa kanal na namumuo at mabaho na.
Maging ang resibo ng ilang stalls ay mayruong Chinese characters at hindi rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Magugunitang nag viral sa social media ang food plaza dahil Chinese nationals lamang umano ang uubrang kumain dito.