Nagpapatuloy pa rin ang ginawang imbestigasyon ng Department of Health (DOH), Pasig Risk Reduction and Management Office (PRRMO) at Food and Drug Administration (FDA) sa naging kaso ng food poisoning ng mahigit 300 katao sa Pasig, kahapon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa matukoy sa mga kinain ng mga biktima ang talagang naging dahilan ng pagkalason ngunit siguradong isa sa mga ito ang kontaminado na nagdulot ng pagkakasakit.
Una nang tinukoy na halos lahat ng mga biktima ay kumain ng adobo na may itlog at kanin.
Sa huling bilang, umaabot na sa 306 ang nabiktima ng food poisoning kung saan 149 dito ay nakalabas na ng ospital.
Aniya, kabilang sa pinag-aaralan ngayon ay mga kasong maaring isampa laban sa caterer na siyang naghanda ng nakalalasong pagkain.
Posibleng naging sanhi ng food poisoning ‘yung staphylococcus. Kung maraming-marami ‘yung bacteria dahil nga batay sa ulat ‘yung pagkain ay hindi naman kasi kaagad nai-sealed, e. mukhang nag-antay pa ng mahabang panahon bago ito pinakain,” ani Duque.
Ratsada Balita Interview