Tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior kasama ang mga business leader ng Cambodia ang maayos na pagproseso ng pagkain at ang pagpapalawig ng Pambansang Pabahay Program ng pamahalaan.
Sa unang araw ni PBBM sa nasabing bansa, kaniyang ibinahagi sa isang round table meeting ang pagtiyak ng administrasyon sa food processing at pagbigay ng murang pabahay para sa mga Pilipino.
Bukod pa dito, kasama din sa naging diskusyon ang planong digitalization ng gobyerno at ang pagtaguyod sa sektor ng pagawaan ng mga damit sa bansa.
Kasabay nito, hinikayat din ng punong ehekutibo ang mga negosyante sa Cambodia na mamuhunan sa Pilipinas.