Nanganganib mabawasan ang food production ng bansa bunsod ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climate Monitoring and Weather Prediction Division Head Anthony Lucero, mababawasan ng 80 percent ang rainfall o below normal simula sa Agosto.
Marami aniyang mga lugar ang posibleng makaranas ng below normal rainfall lalo sa Mindanao dahil sa extended dry spell.
Partikular aniyang maaapektuhan ang produksyon ng palay gayundin ang generation ng mga hydroelectric power kaya’t inaasahan na rin ang mga brownout.
By Drew Nacino