Nakatakdang lumagda ang Pilipinas ng agreement sa Myanmar na may kaugnayan sa food security.
Sa harap na rin ito ng inaasahang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na bansa sa Linggo.
Ayon kay Philippine Ambassador to Myanmanr Alex Chua, tinatawag na memorandum of understanding on food security and agricultural cooperation ang lalagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar.
Matapos ang pagbisita ni Duterte sa Myanmar, sunod niyang pupuntahan sa Thailand sa March 20 hanggang 22.
By Meann Tanbio