Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isusulong niya ang interes ng Pilipinas sa food security, energy, at iba pa sa kanyang pagdalo sa ikaunang association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council na gaganapin sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay Pangulong Marcos, magsisilbing plataporma ang ASEAN-GCC Summit para i-highlight ang pangagailangan ng Pilipinas sa kooperasyon sa food security, trade, energy, logistics, supply chains, at digital transformation. bukod dito, tatalakayin din ang proteksyon at mga karapatan ng Overseas Filipino Workers.
Para sa Pangulo, natatanging oportunidad ito kung saan bibigyang-diin niya ang adbokasiya ng Pilipinas para sa isang rules-based international order upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at katatagan ng dalawang bansa.
Samantala, makikipagkita si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Saudi Arabia para ibahagi ang mga importanteng development at para bigyang pagkilala ang kanilang mga kontribusyon sa bansa.