Nagbitiw na bilang kalihim ng Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan.
Ayon kay Pangilinan, epektibo ang kanyang resignation sa Setyembre 30.
Sinabi ni Pangilinan na kanya nang naka-usap ang Pangulong Noynoy Aquino ukol dito at nagpasalamat siya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng punong ehekutibo.
Kinumpirma ni Pangilinan na tatakbo siyang senador sa darating na 2016 kaya’t nagbitiw siya bilang Food Security Czar.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 19)