Maaaring tanggalin agad ng Department of Agriculture ang food security emergency sa bigas.
Ito’y ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, kung saan kapag nakita na nila na nakakamit na ang layunin ng pagdeklara nito, maaari na anyang tanggalin na ito ng Kalihim ng sektor ng agrikultura.
Dagdag pa ni Asec. De Mesa, nabibili nuong July 2023 sa merkado ang regular milled rice sa presyong 41 pesos kada kilo; samantalang ang well-milled rice naman ay nasa 45 pesos kada kilo.
Una nang nagdeklara ng food security emergency si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. upang masolusyonan ang patuloy sa pagsirit ng presyo ng bigas sa mga merkado. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo