Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang panukalang P6.352 trillion National Expenditure Program para sa fiscal year 2025 na susuporta sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyon.
Batay sa mga direktiba at polisiya ni Pangulong Marcos, tututukan ng pamahalaan ang food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity, at energy.
Sa ilalim ng National Expenditure Program, malaking bahagi ng pondo ang ilalaan sa sektor ng edukasyon, public works, health, interior and local government, at defense.
Kabilang din sa bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura, agrarian reform, social welfare, transportasyon, judiciary, at justice.
Matatandaang nauna nang sinabi ng pangulo na magsisilbing gabay ang Philippine Development Plan sa paglikha ng mas maunlad, inklusibo, at matatag na lipunan.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos na maayos na naibalanse ang mga prayoridad ng pamahalaan sa alokasyon ng pondo.