Umarangkada na ang food security program sa Maynila para sa buwan ng Marso.
Sa ilalim ng programang ito, namamahagi ang lokal na pamahalaan ng food boxes para maibsan ang gutom ng mga pamilyang Manilenyo sa gitna ng patuloy na pagpapahirap ng COVID-19 pandemic.
Target na mabigyan ng food boxes ang nasa 700,000 pamilya sa Maynila para ngayong buwan.
Inaasahang tatagal ayuda ng pagkain sa Maynila sa loob ng anim na buwan.