Nahanap nang buhay ang labindalawang (12) kabataang football player at kanilang coach na mahigit isang linggong na-trap sa kuweba sa Chiang Rai Province, Thailand.
Natunton ang labintatlo (13) ng dalawang British diver sa malalim na bahagi ng Tham Luang Cave matapos ang siyam na araw na search and rescue operations sa Mae Sai District.
Gayunman, kailangang mailabas ng mga rescuer at diver ang football team bago bumuhos muli ang malakas na ulan at maging dahilan ng pagbaha muli sa kuweba.
Hunyo 23 nang ma-trap sa kuweba ang mga football player.
—-