Nagpalabas na ng memorandum ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC para sa pagsasagawa ng force evacuation sa mga lugar na tatamaan ng bagyon Vinta.
Batay sa Memorandum 154, inatasan ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad ang mga lugar ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Eastern Samar at Leyte.
Gayundin sa Northern Samar, Southern Leyte, Agusan del Norte at Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur na pawang nasa ilalim ng public storm warning signals ng PAGASA.
Iginiit ni Jalad na ang mga nabanggit na lugar ay bantad sa mga pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng bagyo kaya’t pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na sumunod sa abiso ng mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.
—-