Nagpatupad na ng forced evacuation ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao matapos bahain dulot ng walang tigil na malakas na ulan dulot ng hanging Amihan.
Inilikas ng Public Information Office ang mga residente sa mga Landslide Prone Areas kabilang na ang Navalca, Barangay San Juan, at Silay Hills sa Barangay Taft, Surigao City maging ang ilang parte ng Cantilan sa Surigao del Sur dulot ng pagbaha.
Binaha rin ang Barangay Talisay sa Bayan ng Libagon, Southern Leyte matapos umabot hanggang dibdib ang taas ng tubig dahil parin sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, ang shear line o ang pagsalubong ng northeast wind at easterlies ang dahilan ng pag-ulan na naka-apekto sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao. —sa panulat ni Angelica Doctolero