Nagpatupad na ng forced evacuation ang Kidapawan City Public Safety Office sa mga flood prone areas dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.
Limampung (50) pamilya ang inilikas mula sa 6 na lugar na posibleng tamaan magkaroon ng landslide kabilang dito ay ang nasa gilid ng national highway patungong Mount Apo.
Pansamantalang manunuluyan ang mga residente sa barangay covered court at sa dating motor pool ng Energy Development Corporation o EDC.
Samantala, dahil sa masamang panahon ay sinuspinde na rin ang klase sa mga paaralan sa syudad.
By Rianne Briones