Sinimulan na ng Catarman sa Northern Samar ang forced evacuation sa walong coastal barangays sa kanilang lugar.
Sa harap ito ng banta ng Bagyong Ambo na inaasahang lalakas pa hanggang mamayang gabi kung saan nasa signal no. 3 na ang estado ng Northern Samar.
Ayon kay Emerald Guevarra, hepe ng lokal ng Disaster Risk Reduction Management Office, kagabi pa lamang ay ramdam na ang pagngangalit ng karagatan.
Binigyang diin ni Guevarra na isang malaking hamon ang kanilang kinakaharap dahil bukod sa dagdag na relief goods na halos paubos na dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kailangan ring obserbahan ang social distancing sa mga evacuation sites.
Isang challenge po talaga ‘yang social distancing sa evacuation center. By law po talaga, last resort dapat natin ang mga schools na gawing evacuation center, pero kahapon nakipag-coordinate po tayo sa Department of Education Division’s Office,” ani Guevarra. —sa panayam ng Ratsada Balita