Iginiit ng Batangas Provincial Government ang forced evacuation sa mga bayang apektado nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Kasunod na rin ito ng ilang pagkakataong pinagayang makauwi ng kanilang mga bahay ang ilang residente sa itinakdang oras para kumuha ng mahahalagang gamit.
Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief Lito Castro na walang dapat papayagang makabalik ng tahanan sa ilalim nang umiiral na forced evacuation.
Mayroon pa rin aniyang peligro ang pagbalik sa mga itinuturing na high risk areas.